dear God,
ibigay niyo na po saakin yung passport ko bukas. please po? :( kasi dalawang buwan ko na yung iniintindi at sobrang worried na ako na hindi ako makauwi on time. :(
una sa lahat, napaka mahal po para sa magulang ko ang ipa-resched o kaya ipa-cancel ang airline ticket ko pabalik ng pilipinas. hindi naman po kami mayaman. pangalawa, ayoko na pong ma-delay ng isa pang taon sa pagaaral. gusto ko na pong maka-graduate at makatulong sa pamilya. gusto ko na pong mabigyan ng magandang bahay at komportableng buhay ang pamilya ko dito sa amerika. pangatlo, hanggang ngayong taon nalang po si chino sa pilipinas, at gusto ko pa po siyang makasama ng matagal na panahon bago siya bumalik sa magulang niya sa south carolina habang ako ay maiiwan sa pilipinas para magthesis at gumraduate ng bachelors degree.
lahat po iyon ay mapapagkait sakin nang dahil lang sa hindi pag-grant saakin ng passport KAAGAD ng san francisco passport agency.
lord god, parang awa niyo na po, gusto ko na po ng panatag na pagiisip. araw araw po akong namomroblema dahil sa incompetence at ignorance ng passport agency dito.
promise lord, magbabalik loob ako sainyo pagkatapos ng bukas(no matter what the result be). magdadasal ako ng taos puso at magpapasalamat sa pamamagitan ng "pay-it-forward" project ni haley joel osment sa pelikula niyang iyon.
ngayon palang lord, nagpapasalamat na ako sa pagtugon niyo sa maga dalangin ko. i love you lord! amen.
---
para sa lahat ng naguguluhan kung bakit ako passport nang passport keme sa plurk ko, eh malamang may passport ako kase alis ako nang alis, yun ay dahil nagapply na ako for u.s. passport. bilang isang minor pagdating ko dito nung 2006, namana ko kaagad ang citizenship ng aking ama. hence, pwede na akong magpalit "nationality" ko sa documents at bumoto sa eleksyon dito.
okey sige, magpalit ng passport! mas magiging madali din yun para saakin, kase hindi na ko magaapply for re-enrty permit(para sa mga immigrant na lalabas sa amerika ng lampas 6months) na nagkakahalagang $300. makakalabas ako ng amerika ng kahit gaano katagal kong gusto.
yun nga lang, ang problema diyan, HINDI PA DUMADATING PASSPORT KO! na inapply ko nung march 23 pa! as in pagdating na pagdating dito inasikaso na kagad. nagbayad pa ng extra ang tatay ko na "expedited fee" daw para 2-3 weeks lang ang processing ng passport ko. after 3 weeks, may dumating na sulat. hinihingi marriage certificate ng mga magulang ko. edi game! pinadala na! after 2 weeks ulet, APRIL na yon 4 weeks bago ako umalis, hiningan naman ako ng documents na nagpapatunay daw na nakatira nga ako sa puder ng tatay ko at kung sinusuportahan ba ako ng tatay ko. kinabukasan pinadala na kagad namin mga tax documents, state id ko, medical insurance, at kung ano ano pa. 4 weeks ulit ang lumipas, WALA PADIN ANG PASSPORT! nagpa-appointment na ko ng diretso sa san francisco passport agency para matapos na ang lahat. scheduled ako sa may 19 pa! 6 days bago ang departure ko. keri lang mabilis nalang yon.
yun lang, kanina, MAY LETTER NANAMAN NA DUMATING!! PAREHO NUNG DATI! isang malaking putanginaniyoWTF. kaya ayon bukas na bukas (well, mamaya, as in 2-hours-mamaya) susugod na kami sa san francisco passport agency. que se joda-ng mag-iiiyak ako dun para magmaka-awa.
kadiri. magmamakaawa ako para maging amerikano? please.
ganun ako ka desperate. im so desperate that im now finding hope in something i belevied intangible - faith. maski si chino na taas noong atheist pinapag-pray ko eh!
gusto ko lang talaga makauwi na. gusto ko nang magaral. gusto ko nang makasama si chin. gusto ko nang makasama mga kaibigan ko. gusto ko nang tumira sa bahay sa fairview. gusto ko nang kunin ulit si lucy.
kaya ayon. di ako makatulog ngayon at nagbablog nalang.
kaya dear lord god almighty father(isa pa to, kailangan ba may gender yung superior being?), PLEASE PO BIGAY NIYO NA PO PASSPORT KO MAMAYA. AND I SHALL BE A PROUD CITIZEN OF THE COUNTRY OF RECESSION, OBESITY, GENETICALLY MODIFIED FOOD, and COLORED PRESIDENT.
amen.